
Isa pang magandang art gallery malapit sa Sulyap, ay ang Casa San Pablo na matatagpuan rin sa siyudad na tinaguriang City of Seven Lakes, ang San Pablo City, Laguna.
Pagmamay-ari ito ng isang avid art collector at hobby enthusiast na si Boots Alcantara kasama ang kanyang asawa na si An Mercado-Alcantara, isang writer.
Kilala ang Casa San Pablo bilang isang bed and breakfast place, at bilang isang mini Baguio dahil sa mga pine trees na galing pang Benguet at Baguio na nakatanim ngayon sa kanilang bakuran.

Pagpasok mo palang sa kanilang information office, makikita mo na ang iba't ibang clay figures na ginawa mismo ng ilan nilang mga bisita.
Nago-offer rin ang Casa San Pabloc ng tour para sa kanilang mga bisita kung saan ipapaliwanag nila ang pinagmulan ng kanilang lugar, kung paano nakilala ang San Pablo City at Quezon sa tulong ng mga niyog, at mga produkto na pwedeng gawins a niyog.
Kung arts and culture ang hanap mo, may museum rin ang Casa San Pablo kung saan nakadisplay ang malalaki at nagagandahang mga paintings.
Casa San Pablo
Barrio San Roque, San Pablo City, Laguna, Philippines
Contact Numbers: (0920) 962 4083 ; (0917) 812 6687 ; (632) 211 2132
email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
A part of Romblon News Network stories regarding the heritage sites, arts, & culture located at the Calabarzon region. #PrideOfHeritage #PrideOfRace



