Photo Courtesy: Sulyap Official Website
Sa unang gabi ng heritage caravan sa Calabarzon region na inorganisa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Philippine Information Agency (PIA) nitong November 15-18, tinungo ng mga inimbetang mamahayag sa Luzon ang isang cafe na magpapakita ng tradisyonal na kultura ng mga Pilipino, ito ang Sulyap Gallery Cafe, Boutique Hotels and Restaurant.
Nakatayo ang nasabing restaurant sa two-hectare na lupa sa bayang tinawag na City of Seven Lakes, ang San Pablo, Laguna.
Sa panayam ng mga mamahayag kay architect Roy Empalmado, may-ari ng Sulyap Gallery Cafe, Boutique Hotels and Restaurant, ang mga gusali na nasa loob ng compound ng Sulyap ay dating ginagamit ng Southern Luzon Colleges, at ng Bureau of Internal Revenue, hanggang sa makuha ito ni Empalmado kung saan niya inilatag ang Sulyap.
Makikita sa Sulyap ang iba't ibang antique collections ni Empalmado na taong 1980s pa nito sinumulang ipunin. Balak sana umano ni Empalmado na ibenta ang mga nakokoleta niyang antiques noon ngunit habang tumatagal ay napapamahal sa kanya ang mga ito kaya naisipan niya nalang na ilagay ito sa isang museum.
Grupo ng mga mamahayag mula sa MIMAROPA na sumama sa heritage caravan sa Calabarzon region.
"Sinimulan ko po ang Sulyap, dahil sa pagmamahal ko sa mga lumang gamit, sa ating history ng Pilipinas. Ever since po noong bata pa ako, fascinated na ako sa mga lumang gamit, especially sa mga ginagamit ng lola at lola ko. Kagaya ng mga wooden furnitures, doon po ako nagsimula," pahayag ni architect Roy Empalmado, may-ari ng Sulyap Gallery Cafe, Boutique Hotels and Restaurant.
Maliban sa mga antique collections ni Empalmado, ibinibida rin sa Sulyap ang mga native at traditional cusine at beverages ng Calabarzon, kagaya ng 'kulawo', isang dish na gawa sa eggplant o puso ng saging; 'pinayti', dish na gawa sa hipon mula sa Lake Palakpakin na niluto sa gata ng niyog.
Hindi rin mawawala sa Sulyap ang 'lambanog' o coconut wine, na isa sa mga ipinagmamalaki ng mga taga-Laguna at Quezon.
Ang Sulyap Gallery Cafe, Boutique Hotels and Restaurant muli ay matatagpuan sa Brgy Del Remedio, Cocoland Compound, San Pablo City, Laguna. Maari silang makontak sa mga sumusunod:
Telephone Number : +63495629740 or +63495629735
Mobile Number : +639209519185
Website: http://www.sulyap.net/
A part of Romblon News Network stories regarding the heritage sites, arts, & culture located at the Calabarzon region. #PrideOfHeritage #PrideOfRace



