Photo Courtesy: Bernie Fallurin
Bukas na sa publiko ang Panorama Viewing Deck sa bayan ng Corcuera, Romblon na ipinagawa ng local government unit bilang dagdag atraksyon sa mga bibista sa isla na mga turista.
Tinawag itong panorama dahil mula sa nasabing viewing deck tanaw mo ang karagatang sakop ng Tablas straight, at ang Tablas Island, Romblon.
Patok ring pasyalan ang nasabing viewing deck tuwing takipsilim dahil malinaw mo ritong mapapanood ang paglubog ng araw.
Sa ngayon, walang entrance fee ang pagpasok sa Panorama Viewing Deck.



