Cantingas River, patok na pasyalan sa Sibuyan Island

Written by Karen Joy Amar | Romblon News

Maliban sa mga white sand beaches na alternatibong pamalit sa boracay ay matatagpuan rin sa Romblon ang magaganda at malalamig na ilog na pwedeng paliguan ngayong summer.

Isang oras at kalahati mula sa Ambulong Port sa Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon ay matatagpuan ang Cantingas River sa bayan ng San Fernando.

Patok ito sa mga turista na dumarayo pa ng Sibuyan Island, Romblon.

Nasa baba lamang ito ng Mt. Guiting-Guiting, ang pinakamataas na bundok sa probinsya ng Romblon.

Sa halagang P20 na entrance ay pwede kanang magbabad sa malamig na tubig. Pwede ka ring mag dive sa platform na may taas na halos dalawa hanggang tatlong palapag na building.

Pwedeng mag outing rito ang mga magbabarkada, at magkakapamilya. Available naman ang mga mesa na pwedeng rentahan para may makainan ang inyong grupo.

Author: Karen Joy Amar | Romblon News
More Articles from the Author