
Aabot na sa 1,186 na pasahero patungong mga probinsya ng Mindoro, Romblon, at Caticlan ang kasalukuyang stranded sa Batangas Port matapos kanselahin ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga RORO at Fastcraft ngayong araw dahil sa nararanasang malalakas na alon sa dagat.
Kahapon palang ay kinansela na ang biyahe ng fastcraft patungong Occidental at Oriental Mindoro, samantalang kaninang tanghali lang kinansela ang biyahe ng mga RORO na patungong Romblon, Caticlan, at Calapan.
Dahil sa matagal na anunsyo ng kanselasyon, marami paring mga pasahero ang tumungo ng pantalan at umasang babiyahe ang mga barko lalo na ang mga pasahero ng 2Go Travel na alas-7 palang ng umaga ay nasa pantalan na.
Ang mga stranded na pasahero, sa pantalan na muna matutulog habang nag-aantay pa ng anunsyo kung kailan papayagan ng Philippine Coast Guard na maglayag ang mga RORO patungong MIMAROPA Provinces.



