
Inanunsyo ng National Wages and Productivity Board ang P1,000 na dagdag sahod para sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa MIMAROPA Region na binubuo ng mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan.
Mula sa P2,500 na monthly minimum wage para sa mga kasambahay, itinaas ito sa P3,500, ayon sa isang order na nilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Sinabi rin sa order na ang dagdag sahod ay para sa mga kasambahay na stay in o out.



