ASEAN COCI, tinalakay ang mga panukalang proyekto sa 2020

Written by Philippine Information Agency

Tinalakay ng ASEAN Committee on Culture and Information (ASEAN COCI) ang mga panukalang proyekto para sa taong 2020 sa kanilang ika-54 na pulong na ginanap sa Palawan.

Sa pagpupulong sa Palawan, isinulong ng Pilipinas ang mga aktibidad na may kinalaman sa paglalawak ng kaalaman hinggil sa mga benepisyo ng ASEAN Integration.

Idinaos sa Princesa Garden Island Resort and Spa sa lungsod ng Puerto Princesa ang pulong ng ASEAN COCI, sa pangunguna ni Communications and Operations Office Undersecretary George Apacible.

Lumahok sa pulong sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto C. Abella, National Commission for Culture and Arts Chairperson Virgilio Almario at mga kinatawan mula sa Cultural Center of the Philippines, Philippine Information Agency at People’s Television Network.

Nagtanghal noong ASEAN Dinner sina Bayang Barrios at Ang Naliyagan at ang Palawan State University Sining Palawan Dance Troupe.

Nilikha noong Oktubre 1978, nilalayon ng ASEAN COCI (binubuo ng Sub-Committee on Culture at ng Sub-Committee on Information) na magkaroon ng epektibong pagtutulungan sa larangan ng kultura at impormasyon para pag-ibayuhin ang unawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng ASEAN.(LP)