Paano ba kung ang mismong alagad ng Simbahan ang nagkakasala?

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Ang mga Pastor ng simbahan ay ginagalang dahil sa kanilang impluwensya sa bayan at dahil na rin sa tulong na binibigay nila upang maintindihan mo ang mga salita ng Panginoon.

Para sa mga kapulisan naman, ang mga gabay upang maibalik ang kanilang mga moral. Katunayan halos lahat ng Opisina ng PNP sa lalawigan ng Romblon ay nagkakaroon ng devotion activity kada Lunes upang bigyang oras ang pananalangin sa Panginoon.

Pero, paano nalang kung ang mismong Pastor ang nagkakasala? Nakarating sa pahayagang ito na isang Pastor ng isang kilalang simbahan sa lalawigan ng Romblon ang di hamak na nambastos ng isang kabataang miyembro ng simbahang pinagsisilbihan.

Ayon sa kwento ng dalaga, araw umano ng Sabado, nasa Simbahan siya upang magsanay ng mga kakantahing awitan para sa kinabukasang samba. Habang nasa labas siya ng Simbahan, lumapit umano ang Pastor sa kanya at kinausap siya, di nagtagal, bigla umanong lumapit ang Pastor at hinalikan siya sa leeg.

Ayy naku Pastor? Anong nangyari? Nasaan na ang inyong paninidigan. Bakit kayo pa ang nagkakasala at sa mismong lugar pa ng simbahan ginawa ang inyong walang hiyang pambabastos sa dalaga.

Sa kasalukuyan, gusto nalang kalimutan ng dalaga ang nangyari, pero may hiling siya sa pamunuan ng simbahan na kanyang kinabibilangan.

"Sana palitan na po ang Pastor namin, paano namin siya igagalang kung ganyan ang ginagawa niya sa amin." aniya.

Habang isinusulat ang article na ito, nakatanggap kami ng balitang kinausap na siya ng ilang Pastor ng parehong simbahan kaugnay sa pangyayari.

PS: Sadyang hindi po namin pinangalanan ang mga taong sangkot para sa kanilang privacy.