Mga Labi ni PO1 Imee Magada, dumating na sa bayan ng Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, July 22, 2015

Dumating na nga ngayong araw ang mga labi ni PO1 Imee Magada sa bayan ng Romblon, Romblon lulan ng barkong 2GO, upang dito sya ihatid sa kanyang huling hantungan. Bagamat malungkot, mainit syang sinalubong ng kanyang mga kasamahang pulis at sinamahan pang inihatid ang kanyang mga labi sa kanilang bahay sa nasabing bayan.

Matatandaang lulan si PO1 Magada ng bangkang Joana Karla na nagbyahe patungong Banton noong Martes, July 14, 2015 na hindi nakarating at napadpad nga sa Masbate, samantalang ang walang buhay naman na katawan ni Magada ay natagpuan sa CamSur. Kasama ni PO1 Magada ang isa pang pulis na si PO2 Paul John Masajo na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikita.

magada2magada2

magada3magada3

Photos source: Romblon PNP

Patuloy po kami sa RNN Team na nagpapaabot ng aming pakikiramay sa mga naiwang mahal sa buhay ni PO1 Imee. 

Related Stories: