by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 16 July 2015
banton(UPDATED) Hindi parin nakita ang nawawalang mga sakay ng bangkang Joanna Karla habang nasa biyahe ito patungong Banton Island noong Martes. Ipinagpatuloy ngayong araw ang Search and Rescue Operation ng Philippine Coast Guard at ilang volunteers.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Officer Engr. Antonio Sarzona, nakipagtulungan sila sa Philippine Coast Guard para ipagpatuloy ang search and rescue operation ngayong araw.
Nag-ikot rin ang isang helicopter para makatulong sa paghahanap sa mga nawawalang sakay ng bangka.
Sakay ng bangka ang dalawang Romblon Police Personnel na sina PO2 Paul John Masajo (may-ari ng bangka), at si PO1 Imee Magada.
Ayon naman sa text message na ipinadala ng Philippine Coast Guard Romblon, ipapatuloy nila ang paghahanap bukas sa karagatan ng Masbate at ilang karatig probinsya ng Romblon.
Read previous article:Bangka lulan ang dalawang pulis, nawawala



