by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, July 20, 2015
Kaugnay pa rin sa balita tungkol sa nawawalang motorbanca lulan ang dalawang pulis, kinompirma ngayong araw ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawa lamang ang sakay ng naunang napaulat na nawawalang motorbanca noon pang Martes, matapos hindi ito makarating sa destinasyon nitong Banton Island mula sa Cajimos, sa bayan ng Romblon. Ayon sa PCG, ang tanging lulan ng bangka ay ang dalawang pulis na sina PO1 Imee Magada, kung saan ang bangkay ay natagpuang napadpad sa Camarines Sur, at si PO2 Paul John Masajo na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikita.
|
Larawan ni PO2 Paul John Masajo (Image Source: Trina Lubina Ortiz shared with RomblonNews) | Ayon pa sa PCG, ito rin umano ang kompirmasyon ng Tita ni PO1 Magada sa kanila na naghatid pa kay Magada sa bangka noong araw na umalis ang mga ito. Malakas ang paniniwala ng PCG na tama ang kanilang kompirmasyon dahil sa wala ng ibang pamilya na lumapit sa kanila mula sa diumanoy dalawa pang kasama para magreport at humingi ng tulong sa paghahanap. Patuloy pa ring pinaghahanap si PO2 Paul John Masajo hanggang sa ngayon. Read Featured Story: PO1 Magada, isa kang bayani Read Related Stories: |




