LOOK: Foreigners flock at Cresta De Gallo last Maundy Thursday

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Courtesy: Bayay Sibuyanon/Rodne GalichaCourtesy: Bayay Sibuyanon/Rodne Galicha

Dinagsa ng mga turista galing sa iba't ibang bansa ang kilalang Cresta De Gallo sa San Fernando, Sibuyan Island nitong Maundy Thursday, March 29.

Ang mga nasabing turista ay sakay ng cruise ship na may pangalang L'Austral galing sa bansang Australia kung saan may lulan na halos 264 na pasahero at mahigit 100 na crew.

Enjoy na enjoy ang mga turista sa kanilang nakitang mapuputing buhangin at malinis na dagat. Ang ilan naman sinulit ang haring araw para mag sunbathing.

Ayon sa grupong Bayay Sibuyanon, may pundo na ang Local Government ng San Fernando para sa pagdevelop sa isla at paglalagay ng mga payong kagaya ng mga inilatag ng mga turistang sakay ng cruise ship.