NEDA 10K Budget kada buwan para sa disenteng pamumuhay ng pamilyang may 5 myembro - Isang Insulto

Written by Ressie Fos

Nakakainsulto ang pahayag ng NEDA na kasya na umano ang 10,000 Peso budget para sa isang pamilyang may limang (5) myembro. Ang nasabing kalkulasyon ay pahayag ni Undersecretary Rosemarie Edillon sa ginanap na Press Conference kaugnay sa lumalalang inflation rate at epekto nito lalo na sa mga ordinaryong Pilipino. Ayon pa kay Edillon, ang isang pamilyang kumikita ng P10,000 kada buwan ay 'hindi mahirap'. Nagpakita pa ng breakdown ang NEDA ng naturang budget. 

ITEM AMOUNT
Food and non-alcoholic beverages 3,834
·      Rice 959
·      Meat 625
·      Fish 574
·      Vegetables 260
·      Non-alcoholic beverages 288
Vices 158
·      Alcoholic beverages 65
·      Tobacco 93
NON FOOD 6,008
Clothing and Footwear 293
Housing, water, electricity, gas & others 2,204
·      House rental 1,288
·      Electricity, gas & other fuels 744
Furnishing, HH Equipment and Routine Maintenance 295
Health 389
Transport 806
Communication 293
Recreation and Culture 141
Education 328
Restaurants, miscellaneous goods and services 1,259
TOTAL 10,000

Source: NEDA

Kung ang ilang mga Senador katulad nila Sen. Lacson, Sen. Recto, at Sen. Escudero ay hindi kumbinsido sa pahayag ng NEDA, lalong hindi kumbinsido ang mga ordinaryong mga Pilipino sa pahayag na ito ng NEDA. 

Kahit pa nga naman isa-isahin nating e-validate ang calculated breakdown ng NEDA, halimbawa P959 na bigas, ano to, isang beses lang kakain ng kanin sa isang araw? P574 na isda, aba e baka halos 4 na kilo lang ng isa ito, or baka naman ang gusto ng NEDA puro dilis ang kainin sa loob ng isang buwan? Simplehan natin ang calculation: 

10,000/30/5 = 66.67 Pesos ang budget ng isang tao kada araw para sa lahat ng gastusin na sinasabi ng NEDA. E baka nga sa pasahe pa lang sa jeep at tricycle kada buwan kulang na kulang na ito. 

Binatikos tuloy ang NEDA ng iba't ibang grupo dahil sa pahayag na ito. Hayyys, ano ba naman NEDA, kayo pa naman ang tinaguriang 'think tank' ng gobyerno tapos ang layo sa katotohanan ang inyong standards at mga indicators para sa inyong mga pagpaplano? Ay sya, umalis ka na lang kaya USec Edillon sa NEDA mukhang hindi ka nababagay diyan Ma'am. 

Dahil sa pag-ulan ng batikos at hamon pa ng ibang grupo sa mga opisyal ng NEDA na subukang mamuhay sa budget na 10,000 pesos kada buwan, nilinaw naman ni NEDA Director General Ernesto Pernia nitong Huwebes (June 7) na imposible umano ang 10,000 pesos na budget kundi P42,000 para mamuhay ng maayos at komportable. 

Ano ba yan, pareho kayong mga opisyal ng NEDA pero ibang tono ng inyong kanta. Magsiayos nga po kayo!