by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, August 12, 2015

"I am not affected, kasi.. hindi naman ako ang kinasuhan eh."
Yan ang binitiwang pahayag ni Dr. Jeter Sespeñe sa mga miyembro ng media sa ipinatawag nitong Press Conference sa loob ng Palawan State University ngayong araw upang magbigay ng opisyal na pahayag kaugnay sa desisyon ng Regional Trial Court Branch 52 ng Palawan na nagpapawalang bisa sa pagkapangulo nito ng PSU.
July 24, 2015 nang maglabas ng desisyon ang RTC Branch 52 na nagpapawalang bisa sa nangyaring special meeting ng PSU Board of Regents noong November 28, 2011 kung saan nahalal si Dr. Sespeñe bilang Pangulo ng Unibersidad.
Inamin rin ni Sespeñe na hindi niya alam ang isyu noong election.
"Noong nag election kami noong 28 ng November... ang election namin ay final at executory. In fact, right after I was declared (as) winner of the election, nag oath agad ako." pahayag ni Sespeñe.
Sinagot rin ni Sespeñe ang mga isyung nagpagamit umano siya kung kanino man.
"Well, yun nga eh, I dont know kung what is that statement all about. Ako po ay... mahaba na rin ang pagseserbisyo ko bilang Pangulo. Yung word na "used" ay parang... I'm not comfortable", aniya.
Nadadawit din sa isyu ang umanoy mga politiko na posible umanong nakikialam sa ilang mga problema ng Unibersidad.
"Expected ko yan, because of you know... even before I served my alma mater for a couple of week, may mga pressure na yan. Sa amin sa Romblon, meron niyan eh. As long as I am doing what is good for the University nobody will cause my will to invistigate everything."
Sa ngayon hindi pa natatangap ng pamunuan ng Palawan State University ang kopya ng desisyon ng korte, kaya normal pa rin ang trabaho ni Sespeñe at ng pamunuan ng PSU. Handa rin umano ang kampo ni Sespeñe na harapin ito. Posible rin umano na tumakbong muli sa pagka-Pangulo si Sespeñe.
"Basta, legal po ang pagtakbo ko. Walang harrasment at walang intervention ng politika.. and I will be there", pahayag ni Sespeñe.
Saka na lamang umano magdedesisyon ang pamunuan ng PSU kung sila ay aapela pa o hindi na kapag dumating na sa kanila ang desisyon ng korte.



