Pagkakahalal kay Sespeñe bilang Presidente ng PSU, Pinawalang Bisa ng Korte

Written by Romblon News

by RomblonNews | Tuesday, August 11, 2015

Source: The Palawan Times

Pinawalang bisa ng Regional Trial Court ng Palawan ang pagkakahalal kay Dr. Jeter Sespeñe bilang Presidente ng Palawan State University (PSU) bilang pagsang-ayon sa kasong isinampa ng dating grupo ni Executive Vice-President Erlinda Ganapin kaugnay sa umanoy illegal na election for president na isinagawa ng Board of Regents noong November 2011.

Photo: The Palawan Times

Ayon sa 28-pahinang desisyon ni Judge Angelo R. Arizala ng RTC Branch 52, naglagay daw kasi ng mga taong hindi qualified sa board of regeants kasama rito ang pag-upo ni Commision on High Education Chairman Dr. Patricia Licuanan bilang presiding officer na dapat sana ay si dating CHED Commissioner Nona Ricafort at ang paghalili ni Vice President for Alumni Ralph Balanova sa nooy President for Alumni Lorna Gelito na tumakbong Presidente rin noon. Kasama rin dito ang pag boto ni Glev Paul Gonzales bilang representative ng Supreme Student Organization at ang pagpigil sa pagboto ni Union Facult President Marcial Raule.

Ayon pa sa desisyon ng korte, inaatasan si Dr. Patricia B. Licuanan, myembro ng BOR at isa pang kinasuhan na magbayad ng halagang P50,000 bilang danyos perwesyos at P250,000 bilang danyos kay Mr. Marcial Raule, isa sa mga nagsampa ng kaso.

Kasama rin sa desisyon ng korte ang pagiging bakante ng pwesto ni Dr. Jeter Sespeñe sa Palawan State University.

Matatandaang nahalal si Sespeñe bilang Presidente ng PSU ng BOR noong Nobyembre 28, 2011, subalit ang nasabing pagkakahalal ay illegal ayon kay Ganapin. Ang mga abogadong sina Ma. Gisela Trampe at Annalisa Padon, kasama ang iba pang mga empleyado ng PSU na sina Raule, Nerrie Margarett Precious Rodriguez ay nagsampa ng kaso na nagkukuwestiyon sa legalidad ng pagkakahalal kay Sespeñe. Kasama ni Sespeñe na nasampahan ng kaso sina Licuanan, Sr. Caroline Capili, Ralph Balanova, Glev Paul Gonzales, Teoticia Taguibao at Nathaniel Lepasana.

Kasalukuyang nasa labas ng Palawan si Sespeñe, at ayon sa The Palawan Times ng kanilang makuhaan ng komento, hindi pa umano natatanggap ni Sespeñe ang desisyon ng korte, at magbibigay naman ito ng komento kapag natanggap na nya ang nasabing desisyon.

Samantala, magpapatawag ng PressCon ang pamunuan ng PSU bukas kaugnay sa isyung ito.

Read Full Story: The Palawan Times report