Kalsada sa Santa Maria, binaha dahil sa umapaw na sapa

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Nalubog sa tubig baha ang bahagi ng Tablas Island Circumeferencial Road sa bahagi ng Sitio Maalag-alag, Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon matapos na umapaw ang isang sapa sa lugar.

Naperwisyo tuloy ang ilang motorista at estudyanteng dumaraan sa lugar dahil sa gatuhod na baha.

Pahirapan rin ang pagtawid sa nasabing kalsada dahil hindi alam ng mga tatawid kung saan ang may malalim na bahagi rito dahil sa ginagawang construction sa lugar.

Noon pa umano pinoproblema ng mga residente sa lugar ang pag apaw ng nasabing sapa tuwing umuulan ng malakas.

Hiling ng mga residente sa lugar ay mapabilis pa ang konstruksyon sa kalsada at sa nasabing sapa para iwas perwisyo na tuwing tag-ulan.