
Niyanig rin ng aabot sa magnitude 2.8 na lindol ang buong Tablas Island at Carabao Island sa lalawigan ng Romblon bandang 11:20 ngayong gabi. Hiwalay pa ito sa nanyaring lindol na magnitude 2.2 sa bayan ng Banton bandang alas-9 ngayong gabi.
Base sa taya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), ang sentro ng lindol ay sa layong 14km West ng bayan ng Sta. Fe.
Naramdaman ang pagyanig sa bayan ng Santa Fe, Alcantara, Looc, Santa Maria, Odiongan at San Jose.
May lalim ang nasabing lindol na 04km.
Wala pa namang naiulat na pinsala ang lindol.



