2,500 Narra seedlings, itinanim ng Agricultural Engineering Students

Written by Reden Escarilla | Romblon News

Umabot ng halos 2,500 na puno ng narra ang sabayang itinanim ng mga Agricultural Engineering Students ng College of Engineering and Technology ng Romblon State University Main Campus sa RSU San Andres Campus sa San Andres, Romblon nitong Biyernes, August 21.

Ang nasabing tree planting activity ay bahagi ng programa ng Philippine Society of Agricultural Engineering Students - Romblon State University Chapter para sa kalikasan.

Hindi nagpatinag ang mga estudyante na magtanim ng mga puno sa kabila ng banta ng masamang panahon dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Ineng.

Layunin ng grupo na mas bigyang halaga ang nagbabagong kalikasan sa mga ganitong panahon.