
Inalala ng mga taga-Odiongan, Romblon ang biktima ng Martial Law at extrajudicial killing (EJK) sa bansa noong panahon ng Martial Law nitong Huwebes, September 19.
Nagsama sama ang mga empleyado ng Local Government ng Odiongan, mga Pulis ng Odiongan, mga empleyado ng DepEd, ang ilan pang residente ng Odiongan na dumalo.
Nagtirik sila ng kandila at nagkaroon ng maikling programa.
Sa interview ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa pahayagang Inquirer kaugnay sa nasabing event, ang nasabing aktibidad ay hindi layuning i-oppose ang mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang kampanya kontra droga.
"... the stand of the local government unit is rather for law enforcers to observe due process and the promotion of the right to life," bahagi ng pahayag ni Mayor Fabic sa Inquirer.
{googleads center}
