
Muli nanamang nagka-isa ang mga mananamapalatayang Aglipayano ng ipagdiwang ng kanilang simbhan ang ika-113 proklamasyon nito ngayong araw, August 15.
Sinimulan ang provincial-wide na selebrasyon ng Simbahan sa Romblon sa pamamagitan ng isang motorcade galing Odiongan patungong San Andres na kung saan venue ng selebrasyon.
Pormal na binuksan ang programa ni Romblon Bishop Ronelio Fabriquer at ni Bagong Palawan Bishop Fodulla sa pamamagitan ng isang misang pasasalamat.
Umabot ng halos 4,000 katao ang dumalo sa gawain.
Dinaluhan rin ito ng mga personalidad at politiko katulad nila Congressman Eleandro Madrona na nagbigay pa ng solidarity message, Vice Governor Otik Reaño, Odiongan Mayor Boy Firmalo, San Andres Mayor Robillos kasama ang mga opisyales ng LGU Odiongan at San Andres.
Nagpakita naman ang bawat parokya ng iba't iba nilang mga talento.
Masayang natapos ang gawain na kung saan umukit muli sa kasaysayan ng IFI ang nasabing pagtitipon.
