Healthy lifestyle campaign, isinagawa ng RHU San Agustin

Written by Jackey Tapao | Romblon News

by Jackey Tapao, RomblonNews | Wednesday, 15 July 2015

(Photo: Angelie Dalida Facebook)

Nagsagawa kahapon ang Rural Health Unit ng bayan ng San Agustin ng programa patungkol sa kanilang healthy lifestyle campaign sa San Agustin Covered Court na dinaluhan ng mga kabataan, opisyales ng Health Office ng Probinsya.

Ang nasabing programa ay may temang 'MGA KASIMANWA AT KABATAAN NAGKAKAISA PARA SA KALUSUGAN'.

Nagkaroon rin ng poster making contest na dinaluhan ng mga youth representatives ng iba't ibang barangay sa bayan.

Hinikayat naman ni Municipal Health Officer Dr. Deo Muleta ang mga residente ng San Agustin na magkaroon ng proper exercise, healthy diet, pag-iwas sa sigarelyo at alcohols para magkaroon ng healthy lifestyle.

Nagbahagi rin si Dr. Muleta ng lecture kaugnay naman sa sakit na dengue. Matatandaang ang Kaso ng Dengue sa Romblon, umabot na sa 34 as of July 09, 2015.

(Makikita ang mga nanalong entry sa Poster Making Contest kaugnay ng selebrasyon ngayong araw. Photo: Angelie Dalida Facebook)