Kaso ng Dengue sa Romblon, umabot na sa 34

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent FosRomblonNews | Monday, 13 July 2015

dengue fever mosquito bitedengue fever mosquito biteMga residente ng lalawigan ng Romblon na tinamaan ng sakit na dengue ngayong taon umabot na sa 34.

Batay sa record ng Provincial Epidemiological and Surveillance Unit, as of July 09, nakapagtala na sila ng pinakamaraming kaso ng dengue sa bayan ng San Agustin at Looc sa Tablas Island. Ang bilang ng mga tinamaan ng sakit ngayong taon ay tumaas na ng halos 64% sa bilang noong January to July noong 2014. (7 Kaso ng Dengue, naitala sa San Agustin)

Nagsagawa na rin ng misting operation ang mga tauhan ng Department of Health noong Biyernes sa bayan ng Looc bilang pag-iingat sa nakamamatay na sakit.

Muling paalala ng pamunuan ng Department of Health, ugaliing malinis ang mga bakuran upang hindi pagpugaran ng mga lamok.