15 taga-Romblon, nakapasa sa PSHS - National competitive exam

Written by Dinnes Manzo

Labinlimang mag-aaral sa elementarya mula sa Romblon ang nakapasa sa isinagawang Philippine Science High School (PSHS) - National competitive Examination noong Oktubre 2018 para sa Academic Year 2019-2020.

Ang NCE ang nag-iisang pagsusulit na kailangang ipasa ng isang Grade 6 pupil para makapasok bilang Grade 7 Philippine Science High School (PSHS) at iskolar ng pamahalaan sa susunod na school year.

Ang naturang 2018 NCE ay pinangasiwaan ng Department of Science and Technology (DOST) kung saan 32,651 examinees (incoming Grade 7 students) ang kumuha ng pagsususlit noong Oktobre 20, 2018 sa mga test centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Batay sa talaan ng DOST, mahigit 6,000 ang itinaas ng bilang ng mga pumasa sa eksaminasyon kumpara sa resulta ng nakaraang NCE.

Ang resulta ng NCE ay inilalabas kada Disyembre taon-taon at ito ay ipina-publish sa mga pahayan o kaya sa PSHS official website kung saan tinatayang nasa 4-6% ng mga kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa naturang National Competitive Examination.

Batay sa inilabas na resulta kamakailan ng PSHS, ang mga pumasa mula sa lalawigan ng Romblon ay sina Savanah Jane F. Anastacio, Katrina Jane R. Cruzado, John Go G. De Juan, Sean Kyle V. De Villa, Rain Samantha F. dela cruz, Meaghan I. Diokno, Tanya A. Fabella, Moisell Yori F. Faderanga, Ava Jane A. Ferrancullo, Junel F. Fiestada, Shekinah Kish M. Fruelda, Angela G. Gabutero, Vann Reinahld D. Paz, Rian Jave R. Rotoni at Aurehlia Beatrice C. Silverio.

Ang mga 15 batang ito ay papasok sa Philippine Science High School – Mimaropa Regional Campus sa darating na School Year.

Ipinapayo ng DOST - Provincial Science and Technology Center (PSTC) Romblon sa magulang ng mga qualifiers na makipag-ugnayan sa tanggapan ni Dr. Lilia T. Habacol, Executive Director ng PSHS Mimaropa Campus upang malaman ang proseso ng pagpapa-enroll sa naturang eskwelahan.

Maaaring magsadya ng personal sa PSHS Mimaropa Region Campus na matatagpuan sa Romblon Convention Center, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon o kaya ay magtext / tumawag sa mga numerong: 0927-8866315 or 0939-8172212 o kaya ay mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. (DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)