
Limang junior college students ng Romblon State University ang mga bagong iskolar ng Department of Science and Technology - Science Education Institute (DOST-SEI) dahil sa pagkakapasa ng mga ito sa 2018 Junior Level Science Scholarship (JLSS) Qualifying Examination na ginanap noong Oktubre 20.
Sa 15 pumasa mula sa buong rehiyon ng Mimaropa, lima rito ay galing sa Romblon kung saan pinatunayan ng mga ito ang kanilang husay sa larangan ng Siyensa at Teknolohiya.
Ang mga matatalinong 3rd year college student na pumasa sa JLSS program ng DOST-SEI ay pawang mag-aaral ng Romblon State University na kinabibilanagan nina Princess R. Aliño, Nelia M. Lachica, Lawrence John D. Magramo, Ma. Sally Quennie C. Miñeque at Grasiel G. Rioga.
Ang mga mapapalad na estudyante ay makalatanggap ng P10,000 pang-matrikula at iba pang bayarin sa paaralan sa bawat semester o P8,000 para sa trimestral term, book allowance, monthly stipend, clothing allowance, transportation allowance at health insurance.
Ayon kay Provincial Director Marcelina F. Servañez ng DOST-PSTC Romblon, muling nakuha ng Romblon State University ang mataas na porsiyento ng nakapasa sa buong Mimaropa.
Pinayuhan ng DOST – Provincial Science and Technology Center dito sa lalawigan na hintayin ng mga pumasa ang notisya (notice) mula sa tanggapan ng DOST kung kailan itatakda ang eskedyul ng oryentasyon at paglagda sa Schlorship Agreement.
Ang JLSS ay scholarship program ay pingangasiwaan ng DOST-SEI alinsunod sa Republic Act No. 2067 or the Merit Scholarship Program, R. A. No. 7687 or the “S&T Scholarship Act of 1994,” and R.A. No. 10612 or the “Fast-Tracked S&T Scholarship Act of 2013” na bukas para sa mga regular 3rd year college students na may kursong may may kinalaman sa Science, Mathematics at Engineering at may general weighted average na hindi bababa sa 83 porsiyento sa una at ikalawang taon nila sa kolehiyo.(DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)
