Kultura ng bayan ng Odiongan, tampok sa exhibit sa Provincial Tourism Office

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of Mayor Trina Firmalo-Fabic FB Page.Photo Courtesy of Mayor Trina Firmalo-Fabic FB Page.

Tampok ang kultura at kasaysayan ng bayan ng Odiongan sa binuksang exhibit ng munisipyo sa Provincial Tourism Office kaninang umaga.

Nakadisplay ang mga litrato ng mga naging alkalde ng bayan ng Odiongan magmula sa pinaka-unang alkalde hanggang sa kasalukuyang lider ng bayan.

Makikita rin sa exhibit ang mga damit na gawa ng Odiongan designers, at ilang mga gamit na naka angkla sa kasaysayan ng bayan ng Odiongan.

Bukas ang exhibit tuwing umaga sa mga gustong bumisita para alamin ang kasaysayan ng Odiongan.

{googleads right}