Images Courtesy of Mayor Trina Firmalo-Fabic FB Page
Malayo sa dating hitsura at halos luma ng mga padyak na umiikot sa bayan ng Odiongan ang nasilayan kaninang umaga ng mga residente dito.
Nagsimula na kasing umikot matapos na i-launch ng Tablas Tourism Office sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Romblon at ng Local Government ng Odiongan ang 'Tri-dyak'.
Aabot sa 16 units na tri-dyak ang pinagkaloob sa mga padyak drivers sa bayan ng Odiongan kaninang umaga.
Ang mga nasabing 'Tri-dyak' ay may mala-pang turismong bihis na mapapasakay ka talaga kung ito'y iyong makita.
{googleads right}Ayon sa Facebook Post ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang mga nasabing 'Tri-dyak' ay para sa pangkabuhayan ng mga padyak drivers sa lalawigan.



