Munisipyo ng Odiongan, namigay ng libreng almusal pagkatapos ng unang simbang gabi

Written by Reden Escarilla | Romblon News

Namigay ng libreng almusal ang munisipyo ng bayan ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa mga debotong nagsimba sa unang misa ng simbang gabi ngayong taong 2016.

Ilan sa mga pinamigay ay mga kakaning bibingka at puto.

Ikinatuwa naman ng ilang mga nagsimba ngayong December 16, ang libreng paalmusal ng LGU dahil unang beses pa lamang umano itong naranasan nila. Nagpapakita rin umano ito ng totoong diwa ng pasko.

Aliw na aliw rin ang mga pumunta dahil sa haranang handog ng IFI Choral.