Mapanglaw ang mga mata ni Leobin Medina, mag-aaral ng Looc Central Elementary School at naninirahan sa Brgy. Camandag sa nasabi ring bayan dahil sa taglay nitong sakit sa kidney na kailangan ng ma dialysis. Napakabata pa nya para dumanas ng sakit at hapdi dulot ng sakit na ito na sya ring naghuhubad ng kanyang karapatan at pagkakataong makapaglaro ng normal kasama ang ibang mga bata.

Subalit hindi ito nagiging dahilan ni Leobin para ipikit nya ang kanyang mga pangarap sa buhay na makakamit kung sya ay makatapos ng pag-aaral. Patuloy syang pumapasok sa paaralan - masipag na bata sa pag-aaral.
Nasa elementarya pa lang si Leobin, matagal-tagal na panahon pa ang kanyang bubunuin. Pagbuno sa karamdaman nya at pagbuno sa kanyang pag-aaral. Magagawa kaya ni Leobin na magtagumpay?
Malaki ang posibilidad na mag tagumpay sya. Lalong-lalo kung malulunasan ang kanyang karamdaman sa lalong madaling panahon.
Nais mo bang tulungan sya?
Makipag ugnayan sa Looc Central Elementary School sa email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o maari po kayong tumawag sa mobile number +63 9286976214 o kaya ay makipag-ugnayan sa Romblon News Network para sa koordinasyon o iba pang impormasyon.
Relates Story: Sakit sa bato, hindi hadlang sa pag-aaral



