4 Romblomanon, kasama sa 340 na nakapasa sa August 2015 Agricultural Engineering Board Exam

Written by Reden Escarilla | Romblon News

by Reden Escarilla, RomblonNews | Friday, 04 September, 2015

Umabot ng 340 out of 841 o 40% lamang ang mga nakapasa sa August 2015 Agricultural Engineering Board Exam, ayon sa Professional Regulation Commision (PRC) nitong Miyerkules.

Apat naman dito ay mga graduate ng Romblon State University Main Campus.

Ayon sa PRC, 4 out 29 galing Romblon State University lamang ang nakapasa sa naturang pagusulit.

Nakilala ang mga pumasa na sina Jane Faith Falceso, Jean Frivaldo, Abbygail Jaylo, at Jane Rotoni.

Ayon sa datus ng PRC, ang University of the Philippines-Los Baños ang top performing school sa naturang pagsusulit matapos makakuha ng 89.74 percent passing rate, o 35 out of 39 takers ang nakapasa.

Isinagawa ang exam sa Manila, Baguio, Davao, at Legazpi.