
Isang lasing na lalaki ang isinugod sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan matapos maglaslas ng leeg gamit ang isang lagari sa Barangay Pangulo, Calatrava, Romblon pasado alas-11 ngayong gabi.
Kinilala ng mga residente sa lugar ang lalaki na si Marlon Manoy, residente ng Barangay Balogo ng parehong bayan.
Ayon sa mga residente ng lugar, bigla umanong pumasok si Manoy sa isang bahay na hindi niya naman pagmamay-ari at naghanap ng matutulis na bagay hanggang sa makita niya ang lagari (yagari) na ginamit sa kanyang pagpapatiwakal.
Agad na tinulungan si Manoy ng mga kasama sa bahay para dalhin sa Romblon Provincial Hospital.
Palaisipan naman kung ano ang dahilan ni Manoy sa kanyang paglagari sa sarili na tila nagpapakamatay.
Ligtas na ang lagay ni Manoy at nagpapagaling sa Romblon Provincial Hospital.
