Truck na may kargang bigas, bumaliktad sa Calatrava

Written by Bunny Joyce Mecca | Romblon News

Photo Courtesy of John Arvill Rabino/MDRRMOPhoto Courtesy of John Arvill Rabino/MDRRMO

Isang 6-wheeler truck ang bumaliktad habang ito'y paakyat sa bahagi ng Barangay Pangulo, Calatrava, Romblon pasado alas-10 ng umaga kanina.

Patungo umano sana ang truck sa Barangay Linao para ihatid ang sako-sakong bigas na isasakay ng bangka patungong isla ng Simara Island.

Nahirapan umano lumiko ang driver kaya hindi niya na nakontrol ang truck at tuluyang bumaliktad.

Masyado rin umanong makipot ang daan at madulas sanhi ng bugso-bugsong ulan kaninang umaga.

Ligtas naman ang driver ng truck at mga pahinante nito. Tuluyan nang naalis sa kalsada ang truck bago magtanghali kanina.

Author: Bunny Joyce Mecca | Romblon News
More Articles from the Author