
Aabot sa halos 800 atleta galing sa iba't ibang bayan sa Romblon na dumalo sa Romblon Provincial Athletic Meet 2017 ang stranded ngayon sa Cajidiocan, Sibuyan Island, Romblon dahil sa bagyon Urduja.
Ayon kay Sangguniang Bayan Member Greggy Ramos, may halos 600-800 pang mga delegado na binubuo ng mga atleta at coaches ang stranded sa iba't ibang paaralan sa Cajidiocan.
Hindi kasi nakapaglayag ang mga atleta pauwi ng kanilang mga bayan dahil sa kanseladong biyahe ng mga barko.
Mamimigay naman umano ang Local Government Unit ng Cajidiocan ng mga food packs at bigas sa bawat delegado para may makain sila hanggang sa humupa ang bagyo.
"May direct communication naman tayo bawat delegation kung sakaling may pangangailangan sila ay tumatawag lang anytime," pahayag ni Ramos sa Romblon News Network.



