Lakas ni Urduja, ramdam na sa Sibuyan Island

Written by Darryl Ros, Neonilo Ferriol, Bebito Gado

Nagsisimula nang magparamdam sa isla ng Sibuyan ang lakas ng hangin at dalang ulan ng bagyong Urduja kahit hindi pa ito nakakapag-landfall sa kalupaan ng Pilipinas.

Patuloy na nakakaranas ng ulan na may pabugso-bugsong hangin ang Cajidiocan, Romblon simula pa kaninang umaga.

Pasado 12:45 rin ng tanghali ay nawalan ng kuryente sa lugar ngunit nabalik rin ito makalipas ang ilang minuto.

Sa Corcuera, Romblon; malakas rin ang nararanasang pag-uulan dahil parin sa bagyong Urdujan.

Tuloy-tuloy rin ang nararanasang pag-uulan sa mga lugar ng Odiongan at Ferrol sa Tablas Island, Romblon.