Bayan ng Banton, hinagupit ng bagyong #NinaPH

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Images Courtesy of Christine Kay Famisan.Images Courtesy of Christine Kay Famisan.

Magdamag na binayo rin ng malalakas na hangin at ulan ang mga bayan na nasa silangang bahagi ng lalawigan ng Romblon, ito ay ang mga Island municipality ng Concepcion, Corcuera, at Banton.

Sa bayan ng Banton, bumungad kaninang umaga ang mga nabuwal na punong nabunot ng bagyo. Nagkalat rin sa kalsada ang mga nabaling sanga.

Ayon naman sa Municipal Risk Reduction and Management Council sa bayan, wala naman umanong naiulat na casualty sa bayan ng Banton sa hagupit nin Nina.

Sa ngayon, wala ng ulan ang nararanasan sa bayan ngunit patuloy na nakakaranas ng malakas na hangin at matataas na alon.