MDRRMC Meeting in Banton, Romblon in preparation for #NinaPH (Photo by Banton MPS)
Pinulong na ngayong umaga ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council - Banton (MDRRMC-Banton) ang mga miyembro nito ngayong umaga upang paghandaan ang paglapit ng bagyong #NinaPH ngayong paparating na pasko.
Ilang bayan na rin sa lalawigan ang nagsagawa ng parehong pagpupulong, ayon sa report ni Dennis Manzo ng Philippine Information Agency.
Ang Office of the Civil Defense MIMAROPA naman ay nasa blue alert na kaugnay parin ng bagyo. Pinaghahanda na rin nito ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa buong rehiyon ngayon palamang.
Sa nilabas nitong Memo, pinayuhan nila ang PDRRMC na magkaroon na agad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na malimit sa baha at landslide. Habang ang mga mangingisda naman ay pagbawalan munang pumalot.



