Ilang bayan sa Tablas, nakakaranas ng brownout

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakaranas ng power interruption ang ilang bayan sa Tablas Island, Romblon ngayong hapon.

Batay sa monitoring ng Romblon News Network, nawalan ng kuryente ang mga lugar ng San Agustin, Calatrava, San Andres, at Alcantara pasado ala-una ngayong hapon.

Wala pa namang pahayag ang Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) kaugnay sa nasabing power interruption.

Ayon sa mga residente ng San Agustin at Alcantara, nakakaranas rin sila ng pag-uulan simula pa kaninang umaga.