Mga biyahe ng barko ngayong araw sa Romblon; balik na sa normal na operasyon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Balik na sa normal na operasyon agn mga biyahe ng barko palabas at papasok ng probinsya ngayong araw ng Linggo matapos na kanselahin ito nitong Sabado dahil sa bagyong #CrisingPH.

Ayon sa Montenegro Shipping Lines, nagsimula na silang mag resume ng biyahe kagabi pa matapos na i anunsyo ang paghina ng bagyo.

Sa bayan ng Odiongan, nagsimula na ring dumagsa sa mga ticketing outlet ng 2Go at Montenegro Shipping Lines ang mga biyaherong patungong Batangas.