Dalawang palapag na bahay sa Alcantara, nasunog

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Screecap from the video of Aaron Magracia FregonScreecap from the video of Aaron Magracia Fregon

Nasunog nitong tanghali ng Sabado ang dalawang palapag na bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Alcantara, Romblon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection - Alcantara, ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Basilio Gatarin Gabat Sr.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang maaring pinagmulan ng apoy at kung magkano ang kabuoang halaga ng ari-ariang nasunog.

Maswerte namang walang nadamay na bahay kahit dikit-dikit ang bahay sa nasabing barangay. Wala ring nasaktan na mga residente sa nasabing sunog.

Ayon sa nasunugan, makikituloy muna sila sa kanilang mga kamag-anak para makarekober sa sunog.