
Nagsimula na ang taunang visita iglesia ng illan ngayong Miyerkules Santo, March 28.
Ito ay bahagi ng paggunita ng Semana Santa sa buong mundo sa ginawang pasakit at sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo para matubos ang sangkatauhan. Ang Semana Santa ay syang natatanging panahon upang gunitain at pagnilayan ang pasyon ng ating Panginoon.
Sa Alcantara, ilang mga taga-ibang bayan ang tumungo sa Alcantara para dumalo sa misa sa parokya sa Alcantara na pinamumunuan ni Rev. Fr. Nestor Gadon.
Ayon sa mga magkakamag-anak na nag-visita iglesia, tutungo pa umano sa ibang simbahan sa ibang bayan ngayong araw.
