Corcuera at Concepcion, maaring ulanin mamayang gabi; mainit na panahon asahan sa ibang bayan

Written by Romblon News

by Romblon News Weather | Wednesday, 20 January 2016

Hindi katulad nitong mga nakaraang araw, hindi ganun kalamig ang madaling araw ngayong Miyerkules, sa taya ng Weather Philippines 26.1°C ang temperatura na naitala sa Odiongan 12AM kanina, malayo sa temperatura kahapon na 20.9°C.

Huwag parin kakalimutan na magdala nang mga panangga sa mainit na sikat ng araw dahil makakaranas parin ng mainit na panahon ang halos lahat ng bayan sa Romblon ngayong araw, Miyerkules.

Sa bayan naman ng Concepcion at Corcuera asahan ang isolated rainshowers pagdating ng gabi.

Ayon sa taya ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administrations (PAG ASA), wala umanong weather system na nakaaapekto sa panahon sa lalawigan.

Batay naman sa taya ng Weather Philippines, ang bayan ng Odiongan ay makakaranas ng hanggang 28°C na init ng panahon at 0% ang tiyansa na uulanin ang lugar.

Inaasahan namang sisikat ang haring araw mamayang 6:17 ng umaga at lulubog naman mamayang 5:47 ng hapon.

Narito naman ang ilan pang taya ng panahon sa ilang pangunahing munisipalidad sa lalawigan, ayon sa Accuweather.

              Municipality                                     Forecast                      Temperature Range
 Romblon, Romblon  Pleasant with sunshine 25°C-29°C
Corcuera, Romblon Pleasant with plenty of sunshine in morning
and Partly cloudy with a stray shower in evening
25°C-28°C
Concepcion, Romblon Beautiful with plenty of sunshine in morning
and Clear to partly cloudy with a shower in evening
25°C-29°C
San Jose, Romblon Pleasant with sunshine 26°C-30°C
Looc, Romblon Pleasant with sunshine 26°C-30°C