Maaraw na panahon, asahan sa buong Romblon ngayong Martes

Written by Romblon News

by Romblon News Weather | Tueday, 19 January 2016

Huwag kakalimutang magdala ng payong sa inyong mga lakad dahil sa makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang halos buong lalawigan ng Romblon ngayong araw, Martes.

Ayon sa taya ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administrations (PAG ASA), wala umanong weather system na nakaaapekto sa panahon sa lalawigan.

Batay naman sa taya ng Weather Philippines, ang bayan ng Odiongan ay makakaranas ng hanggang 28°C na init ng panahon at 0% ang tiyansa na uulanin ang lugar.

Inaasahan namang sisikat ang haring araw mamayang 6:17 ng umaga at lulubog naman mamayang 5:47 ng hapon.

Narito naman ang ilan pang taya ng panahon sa ilang pangunahing munisipalidad sa lalawigan, ayon sa Accuweather.

              Municipality                                     Forecast                      Temperature Range
 Romblon, Romblon  Pleasant with sunshine 24°C-29°C
Corcuera, Romblon Sunny and pleasant 25°C-28°C
Concepcion, Romblon Sunny and nice 25°C-29°C
San Jose, Romblon Sunny and nice 26°C-29°C
Looc, Romblon Sunny and nice 26°C-29°C