by Ressie Fos, RomblonNews | Thursday, July 16, 2015
"Lagi namin syang nakikita sa may palengke. Minsan sa Odiongan Commercial Center, nagtatambay o kumakain doon sa mga karenderya. Minsan naman nagta traffic, nagsesecurity. Pero kadalasan kapag nakikita namin sya ay galit at umiiyak dahil binu-bully daw sya." Eto ang pahayag ng mga nagbigay ng komento ng mai-post ko ang picture na nauna ng naipost ni Soffia Dave sa Facebook noong July 14, 2015 na umabot ng 658 shares, para maipaabot sa kung sinumang may puso na tumulong, o sa mga kilalang foundation tulad ng GMA7 Kapuso Foundation.
gerry0May katotohanan man o wala ang sinasabing pambu-bully kay Gerry Montoya, residente ng Brgy. Pato-o, pero sa kanyang kalagayan ay hindi maiiwasang siya ay magse self-pitty. Awa sa sarili at pagkainis sa kanyang sitwasyon na tila baga para sa kanyang pagintindi ay wala ng pag-asa, palibhasa arok naman ni Gerry na kung sa pera ay walang-wala sya o ang kanyang pamilya para malunasan ang kanyang problema - kung paano maopera ang malaking bukol sa kanyang kanang panga. Idagdag pa rito ang halos walang makain na maaaring nagiging dahilan kung bakit ayon sa iba, tila mabagal ang kanyang perception sa edad nya.
Nang mairepost ko ang larawan noong July 15, 2015, bagamat nasa 57 lang ang likes at 1 lang ang nag share, subalit sa mga tao na nakakita nito ay mayroong hinipo ang puso upang positibong maaksyonan ang problema ni Gerry.
Si Ma'am Lettie Festin Magango ay positibong umaksyon at nakipag coordinate sa mga taong magiging daan upang tuluyang masolusyonan ang problema ni Gerry na sina Reeve Moore at Pastor Ricky Rosales at ang Help the Needy Inc. na kaagad namang nakipag communicate sa pamilya ni Gerry upang pagusapan kung paano malalapatan ng lunas ang bukol ni Gerry.
Ngayong araw, July 16, 2015 ay binisita ni Ma'am Lettie si Gerry sa bahay ng kanyang aunte at uncle sa Brgy. Budiong sa bayan ng Odiongan, na silang nangangalaga sa kanya, upang pagusapan nga ang kanyang operasyon. Ikinalugod naman ito ng aunte at uncle ni Gerry at nagbigay ng permiso para maoperahan si Gerry. Imagine, in just 2 days may sagot at paraan kaagad ang ating Diyos para sa bukol ni Gerry sa pamamagitan nga ng mga tao at foundation na nabanggit.
Ayon kay Ma'am Lettie, sa lalot madaling panahon ay susunduin na si Gerry para tuluyan na ngang maoperahan sa Adventist Medical Center sa Pasay City.

Sa mga nasa likod ng pagtulong upang maisakatuparan ang operasyon ni Gerry na tuluyang makapagbibigay sa kanya ng galak at inspirasyon upang itaguyod ang kanyang buhay ng masaya, kayo po ay mga totoong hinipo ng Diyos at naging daluyan ng pagpapala para kay Gerry at sa kanyang pamilya. Dalangin po namin na kayo ay patuloy pang pagpalain at bigyan ng mahaba pang buhay ng ating Diyos.
Aabangan po natin ang matagumpay na magiging operasyon kay Gerry.
Samantala, ang LGU ng Odiongan ay may programa na tinatawag na Municipal Halfway Home Center at may pondo ito, na plano na sanang e re-align para sa ibang proyekto subalit tinutulan ito ni Konsehal Cocoy Reyes, Chairman ng Social Welfare dahil mawawalan ng pundo ang nasabing programa na maaring maging malaking tulong para sa mga pangangailangan ng mamamayang tulad ng kaso ni Gerry. Magiging mainam kung ang pundo ng nasabing programa ay tunay nga na napapakinabangan ng mga nangangailangan.
Isang katotohanan ang ating nakikita sa sitwasyon ni Gerry at sa pagdating ng tulong para sa kanya. Ito ay ang - "wala ng hihigit pa sa makatulong sa kapwang nangangailangan at ang saya na dulot nito sa kanila ay sya na ring nagiging galak at inspirasyon para mas lalo pang palaganapin ang pagtulong sa kapwa."



