U_Spy: May bagong “STD”

Written by Rey Marfil

Ingat sa makikipaglambuchingan sa iyong makakasiping dahil baka hindi mo alam eh kontaminado siya ng bagong “STD”: hindi sexuality transmitted disease kundi sexuality transmitted dengue.

Sa unang pagkakataon, isang lalaki sa Spain ang kompirmadong nagka-dengue sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kapwa niya lalaki na nagka-dengue habang nasa Cuba. Mantakin mo, puwede palang mabuhay ang dengue virus sa semilya ng lalaki ng mahigit isang buwan. Mas matagal siyang nabubuhay sa semilya kaysa dugo at ihi na higit 20 araw lang.

Kaya kung isa kang dengue patient at gumaling pagkaraan ng sampu hanggang 20 araw, aba'y posibleng maipasa mo pa rin ang virus. Ang hindi lang malinaw ay kung puwedeng maipasa ang dengue virus ng lalaki sa babae, o babae sa lalaki.

Kung M2M kasi (o lalaki sa lalaki ang sex) malamang sa “kuwaba” na hindi dapat pasukan dumaan ang “sawa” at doon naglabas ng “kamandag.” Sa listahan ng mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa, mga M2M din ang pinakamaraming kaso at pabata pa nga raw nang pabata.

Kaya lang ang tanong ng isa nating kurimaw, kung lalaki at babae kaya ang magtalik at isa sa kanila ang kagagaling lang sa dengue, maipasa rin kaya ang virus kahit sa tamang “kuweba” dumaan ang “sawa.”

Sabi sa isang ulat, minsan na rin daw nagkaroon ng ganitong kaso tungkol sa pagsasalin ng dengue sa pamamagitan ng sex sa lalaki at babae sa isang bansa sa Asya (hindi sa Pilipinas) pero hindi nakumpirma dahil hindi nasuri nang mabuti ang mga pasyente.

Pero ang kaso sa Spain, talagang tinutukan at nakumpirma sa mga lab test na talagang nakuha ng lalaki ang dengue sa kaniyang sex partner na lalaki. Katunayan, ang klase ng dengue virus na nakuha ng nagpagpasahan ng virus ay katulad daw ng virus na nasa Cuba.

Aba'y kung hindi naman siya nagpunta ng Cuba at nagka-dengue virus siya na may tatak-Cuba, ibig lang sabihin na ang katalik niya na galing doon at nagka-dengue ang talagang may dala ng virus.

Sa isang ulat, sinabi ng isang opisyal ng Department of Health na posibleng nagkasugat daw sa “pututoy” o kaya sa “kuweba” ang pasyenteng lalaki at doon sa sugat nakapasok sa dugo ang dengue virus. Aba'y parang HIV rin nga ano? Kung naka-condom o “nakasupot” ang lalaking galing sa Cuba nang magtalik sila, baka hindi niya naipasa ang dengue.

Baka isipin ng iba na mabuti pang mapasahan ng dengue kaysa HIV, aba'y nagkakamali kayo mga tsong. Bagaman marami sa mga tinatamaan ng dengue ang nakakarekober, matinding hirap din ang pinagdadaanan ng mga pasyente at magastos. At kung mamalasin ka na matinding klase ng dengue virus ang tumama sa iyo, aba'y baka mag-goodbye world ka bigla.

Ang mahalaga pa rin, kung hindi kaya pigilin ang init ng katawan, aba'y maging maingat. Kung hindi kayang magkaroon lang ng isang partner, sundin ang payo ng mga eksperto na gumamit ng condom kahit hindi mo masyadong “ma-feel” ang ligaya. Kaysa naman sarap na sarap ka ngayon pero pagkalipas ng ilang araw eh malalaman mong may dengue ka na o kaya HIV.

Sabi nga sa ulat ng Joint United Nations Program on HIV at AIDS (UNAIDS), ang Pilipinas daw ang may pinakamabilis na pagdami ng HIV sa buong mundo. Sa pagtatapos ng 2018, nakapagtala ng 13,384 bagong HIV infections sa bansa. At kung paniniwalaan ang datos nila, nasa mahigit 62,000 Pinoy ang nabubuhay ngayon na may HIV.

Kaya sa mga naghahanap ng “sarap” na hindi tapat at maingat, aba'y “f_ck at your own risk” na lang ika nga.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!
(Twitter: follow@dspyrey)