San Andres MDRRMO
Tagong pasyalan kung maituturing ang isang falls sa sa Barangay Linawan, San Andres sa Tablas Island, Romblon.
Ang nasabing falls na sinisumulan palang pasyalan ay may pangalang Makalisang Falls.
Pwede ito sa mga gusto ng adventure dahil sulit ang paglalakad mo mula sa sentro ng Barangay Linawan patungo sa falls dahil aabutin ka ng halos 30-minutong paglalakad bago marating ang falls.
Mabibighani ka rin sa mga rock formation na makikita sa lugar dahil ang mga nasabing rock formation, dinadaluyan ng tubig.
Para sa mga hindi naman marunong lumangoy, may mababaw ring paliguan para sa kanila na may maliit ring talon.
Libre ang mamasyal at maligo sa lugar.



