Get To Know: Eduardo Firmalo

Written by Romblon News

Sa pagsalang ni incumbent Governor Eduardo Firmalo sa 'Get To Know' ng Romblon News Network, ibinahagi nito ang ilan niyang accomplishments bilang gobernador at mga plano na gagawin niya kung sakaling maihalal bilang representative ng Romblon sa Kongreso.

Si Firmalo na tubong Odiongan ay tumatakbo sa pagka-Congressman ng lalawigan sa ilalim ng Liberal Paty.

"Mag-concentrate kami sa People Development, at sa Tourism – ang inaano namin, siyempre, maghahanda tayo sa Federalism kaya this will be consultative. Ang guidelines namin ay pareho sa I-HEART PEACE. Better services sa Health, Transportation, Income Generation, at Kapayapaan sa probinsya," ayon kay Firmalo.

Agriculture & Fisheries

Kung sakaling mahalal umano si Firmalo sa pagiging Congressman, tutukan nito ang agrikultura ng probinsya kagaya nalang sa industriya ng niyog kung saan maraming magsasaka ang apektado ng mababang halaga ng copra.

"Kasama din po 'yung pagtatayo ng coconut center, lahat ng products at development ng coconuts ay tutukan natin – paggawa ng coconut drinks, coco sugar, at mga hybrid products," ayon kay Firmalo.

Magkakaroon rin umano siya ng proyekto sa tulong provincial government para mas bigyan ng atensyon ang mga mangingisda ng probinsya.

"Ang pinaka-strength talaga ng Romblon ay ang dagat. The whole of Romblon will be producing marine products from bangus, tilapia, at iba pa. 

Preparation for Odiongan Cityhood

Isusulong rin umano ni Firmalo ang pagkakaroon ng siyudad sa probinsya ng Romblon – at posibleng ang bayan ng Odiongan ang kandidato para rito.

"Dapat ang isang probinsya ay may isang siyudad, cityhood for Tablas, Romblon, or Sibuyan. This is my idea of newer development for Romblon, pero ang kailangan rin jan ay 'yung people participation. So, 'yung mga tao tatanungin rin natin kung ano ang kailangan nila," pahayag ni Firmalo.

Tourism & Livelihood

Tutulong rin si Firmalo para mas mapaganda pa ang turismo sa probinsya sa pamamagitan ng pag-promote sa 'homestay', isang estilo ng pagtanggap ng mga lokals sa mga bisita na sa halip na sa hotel tutuloy, sa bahay ng mga lokals sila didiretso maranasan nila ang mas magandang pakikitungo ng mga Romblomanon.

Makakatulong umano ito para magkaroon ng hanapbuhay ang mga taga-Romblon na malapit sa mga tourist spot, at malaking tulong ito sa probinsya para mas lalong bumaba pa ang bilang ng mga pamilyang mahihirap.

Ang pagpapaunlad rin umano sa marble industry ng probinsya ay tutukan rin ni Firmalo.

On Island Municipalities

"Aside from tourism, sa mga bayan nating malayo sa mainland, dapat i-develop rin natin ang kanilang mga dagat. Dagdagan ang connectivity, hindi ako kumpurmi sa ganda at lapad ng pantalan, ang sa akin, basta operational ang pantalan para may madaungan ng mga RORO," pahayag ni Firmalo nang tanungin patungkol sa plano sa island municipalities ng lalawigan.

Sinabi rin ni Firmalo na nakikipag-usap na siya sa pamunuan ng isang shipping company para mabigyan ng ruta ng RORO ang tatlong isla patungong Calatrava o San Agustin at nais niya itong ituloy kung sakaling naging mambabatas na siya.

Education

"Ang education sa province ay maganda na but we need to be within the international standard. So kung may makukuha tayo ng investors thru the RSU, dapat maging international tayo and to gain tourists, and third, we can focus on research, kasi hindi masyado nabibigyan ng pansin 'yung research natin – saka magpadala tayo ng mga students sa ibang bansa," ayon kay Firmalo.

Issues

Itinanggi naman ni Firmalo ang mga alegasyon laban sa kanya na ibinabato sa social media kagaya nalang ng pagiging kurap at pabaya di umano nito.

Parting Message

"Sa atin pong mga kababayan, nasa crossroads po ang mga tao ngayon, ibig sabihin may mga decision tayong gagawin. Ano ba talaga ang gusto niyong pamumuhay? Pamumuhay sa unang panahon kung saan nabubuhay ang tuso, at ang natitira lang ay ang maraming pera o ang pamumuhay na medyo pantayan natin 'yung standard of living sa other ASIAN countries?" huling pahayag ni Firmalo.

"Isa pa, gusto ko sanang mag appeal sa aking mga kababayan, sa kapwa ko Romblomanon, na tulungan ang grupo namin kasi nakikita ko na ang galing galing ng mga kasama ko. Kailangan natin ng mga magagaling, 'yung maraming ideas, 'yung talagang masisiguro natin na hindi tayo malulugi," dagdag ni Firmalo.