Romblon, isinailalim na sa PSWS #1

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 13 December 2015

Naisama na sa listahan ng may Public Storm Warning Signal #1 ang lalawigan ng Romblon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kasama ang 11 na probinsya na Southern Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate kasama ang Burias Island, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu kasama ang Camotes Island, Dinagat province at Siargao Island.

Signal Number 2 naman ang atanduanes, Albay, Sorsogon and Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, and Samar.

Ayon sa PAGASA, namataan ang bagyo kaninang 5:00 pm 440 kilometers east ng Catarman, Northern samar.

Taglay ng bagyo ang hangin na 140 kilometers per hour at pagbugso ng 170 kilometers per hour.

Kimikilos ang bagyo sa bilis na 19 kilometers per hour.