Coast Guard cancels trip to and from Batangas today due to #LandoPH

Written by Jackey Tapao | Romblon News

by Jackey Tapao, Romblon News | Saturday,17 October 2015

Aabot ng mahigit kumulang 20 katao ang kasalukuyang stranded sa pantalan ng San Agustin Port matapos hindi bumiyahe ang ilang pumpboat patungong Romblon, Romblon dahil sa masamang panahon.

Kinansela rin ng Coast Guard Sub Station Odiongan ang biyahe ngayong araw ng mga barko galing sa Odiongan Port patungong Batangas Port matapos itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang Signal #1 sa probinsya ng Batangas dahil sa bagyong Lando.

Ayon naman sa text message na pinadala ng Coast Guard Station Romblon, kung hindi ibaba ang storm signal sa Batangas, hindi babiyahe ang mga barko na patungo doon mamayang hapon.

"Kung hanggang mamaya po may signal pa din ang Batangas. Lahat po ng barko ngayong araw ay walang biyahe." ayon sa CGS Romblon.