Sea travel suspended in Batangas due to Rosita

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kanselado na ang biyahe ng mga Roll-on/roll-off (RORO) vessel ng Montenegro, at 2Go Travel ngayong araw patungong Batangas galing Romblon at pabalik dahil sa nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa lalawigan ng Batangas dulot parin ng bagyong Rosita.

Batay sa pinakahuling taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa layong 540 km East ng Tuguegarao City, Cagayan ang sentro ng bagyong Rosita at gumagalaw sa bilis na 15kph patungong West Southwest.

Nakataas ang  Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 sa mga lugar ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino at Polillo Island.

Signal no 1 naman sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Babuyan Group of Islands, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Northern Quezon, Rizal, Bulacan, Metro Manila, Laguna, Bataan, Zambales, Cavite at Camarines Norte.

Si Rosita ay may taglay na 170 kph lakas ng hangin at bugsong hanggang 210 kph.

Inaasahang umaga ng Miyerkules, October 31, ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).