
Tigil muna sa biyaheng Odiongan to Batangas at pabalik ang barkong Oceanjet 3 ayon sa mensaheng pinadala ng pamunuan ng Ocean Fast Ferries Inc. sa Romblon News Network.
Sinabi rin ng Ocean Fast Ferries Inc. na wala pang itinakdang petsa ng pagbabalik ng kanilang biyahe.
Walang sinabing dahilan ang Ocean Fast Ferries Inc. kung bakit pansamantalang itinigil ang operasyon ng kanilang barko sa lalawigan ng Romblon.
Matatandaang halos isang buwan na ring hindi naglalayag ang kanilang barko patungong Odiongan at pabalik ng Batangas.



