
Tapos ng bumuto si Atty. Eleandro Madrona na kandidato sa pagka-Congressman sa lalawigan ng Romblon ngayong tanghali.
Mahigit isang oras ring nag-antay si Madrona sa pila, simula ng ito'y dumating, para lang makaboto sa kanyang lugar sa Esteban Minon Madrona Elementary School, Bachawan, San Agustin, Romblon.
May dalang listahan si Madrona ng kanyang mga iboboto para masigurado na tama ang kanyang napupusuang ilagay sa kanyang balota.
